THEME

Hindi ko na alam kung paano pa ako ngingiti.

graceeeeelicious:

Hayaan nyo nalang muna ako magdrama. Sa totoo lang puro drama na ang laman ng blog ko at wala ng kwenta. Pero wala po kayong pake!

Minsan kapag humihigop ako ng Energen Choco, natutulala nalang ako tapos luluha dahil di ko alam kung bakit ko nararanasan to. Bakit? Ang hirap. Kung hindi siguro ako nagkaroon ng trabaho bago pumasok ang taon na 2014, malamang naging isa na ako sa miyembro ng budolbudol gang dahil sa sobrang ka-desperadahan kong makahanap ng trabaho. Kaya laking pasasalamat ko dahil meron na akong matinong trabaho ngayon at nakakapag bigay na ako ng pera sa Parents ko, lalo na sa Lola ko. Hindi na rin ako umaasa ng pambili ng napkin sa kanila at nakakabili na ako ng panty sa Avon at hindi na sa bangketa.

Pero may isang bagay pa rin akong hindi matanggap at dahil don hindi ko na yata kayang sumaya pa. Nasaktan lang ako dahil umasa akong makukuha ko yun kasi, andon na ako sa part na iga’grab ko nalang yung oportunidad na yun dahil nasa harapan ko na. Pero dahil kailangan kong pasiyahin ang ibang tao bago ang sarili ko, bibitawan ko nalang at maghihintay nalang ulit ng ilang panahon. Nakakalungkot lang talaga. Balang araw matatanggap ko rin na hindi talaga yon para sakin. 

Dahil summer na naman. Marami na naman ang naka pekpek shorts tapos naka boots. Hindi mo malaman kung naiinitan ba sila o nilalamig. Panipisan at pa-kontian ng mga telang naka pulupot sa katawan nila tipong mas nasobrahan sa make-up kesa sa tela ng damit na suot nila. Pwede mo na ring makita ang dark sides nang isang babae base sa kanyang suot na damit lalo na kapag naka pekpek short lang sila. Parang ang taas ng sikat ng araw at napaka liwanag ng buong kapaligiran pero bakit ang itim? Againts the light naman pero ang itim ng kuyukot at kili-kili nila. Yun ang dark side nang mga babae. Pano naman, maiksi pa ang shorts kesa sa don sa gustong takpan. Okay lang mag pekpek shorts, buhay mo naman yan at yan ang istilo mo eh.

Sa wakaaas camera360, naranasan din kita.

With lil bro..

#Selfie

Lahat daw tayo merong ups and downs sa buhay.

Siguro ito na yung moment ng buhay ko na nawawalan na ako ng pag-asa. Tipong wala na akong gustong kapitan dahil pakiramdam ko, ang tanging pwede ko nalang gawin ay ang sumuko. Wala ng iba, kundi bumitaw. Kahit naman iyakan ko walang mangyayari. Kahit gustuhin ko, hindi mapapa sakin. Kahit ipilit ko, hindi talaga. Masasaktan lang ako kasi nga, hindi talaga para sakin.

Ang sakit pala, yung isang bagay na gustong gusto ko makuha ay hindi ko makuha kahit ilang beses na akong sumubok, kahit ilang beses ko ng ginusto. Wala talaga, sabi ko nga sa sarili ko “Hindi talaga para sayo yun Grasya. Mag hintay ka nalang ulit ng ilang panahon" Pero, sa totoo lang, pagod na pagod na ako. Hindi ko na alam kung papaano ko pa ipipilit sa sarili ko na meron pang pag-asa. Hindi ko na talaga alam kung papano. 

Gabi-gabi ko nalang iniiyakan at iniisip yon. Kasi, ang hirap lang tanggapin na ginawa ko naman lahat ng makakaya ko, binigay ko naman lahat kasi gusto ko tapos sa huli hindi ko pa rin pala makukuha. Nakakapanlumo. Nakakalungkot. Masakit. Masakit talaga. Sa puntong to, wala na akong idea kung saan pa ako huhugot ng lakas ng loob at tiwala. Kailangan ko nalang siguro tanggapin na hindi talaga para sakin.

Now Playing: Sana pinatay mo nalang ako by: Kimpoy Feliciano

Hindi ko na alam kung paano pa ako ngingiti.

Hayaan nyo nalang muna ako magdrama. Sa totoo lang puro drama na ang laman ng blog ko at wala ng kwenta. Pero wala po kayong pake!

Minsan kapag humihigop ako ng Energen Choco, natutulala nalang ako tapos luluha dahil di ko alam kung bakit ko nararanasan to. Bakit? Ang hirap. Kung hindi siguro ako nagkaroon ng trabaho bago pumasok ang taon na 2014, malamang naging isa na ako sa miyembro ng budolbudol gang dahil sa sobrang ka-desperadahan kong makahanap ng trabaho. Kaya laking pasasalamat ko dahil meron na akong matinong trabaho ngayon at nakakapag bigay na ako ng pera sa Parents ko, lalo na sa Lola ko. Hindi na rin ako umaasa ng pambili ng napkin sa kanila at nakakabili na ako ng panty sa Avon at hindi na sa bangketa.

Pero may isang bagay pa rin akong hindi matanggap at dahil don hindi ko na yata kayang sumaya pa. Nasaktan lang ako dahil umasa akong makukuha ko yun kasi, andon na ako sa part na iga’grab ko nalang yung oportunidad na yun dahil nasa harapan ko na. Pero dahil kailangan kong pasiyahin ang ibang tao bago ang sarili ko, bibitawan ko nalang at maghihintay nalang ulit ng ilang panahon. Nakakalungkot lang talaga. Balang araw matatanggap ko rin na hindi talaga yon para sakin. 

Yung nanliligaw palang sayo pero seloso na.

Ako’y sabog na, ako’y sabog na….

Tuloy-tuloy lang yung trabaho ko nitong mga nakaraang linggo. Kaya puro queued nalang yung mga post na nababasa nyo kung nagbabasa man kayo. Hindi ko na rin halos napapansin yung cellphone ko. Sira na pala yung case nya, sira na rin ang ulo nang may-ari. Hindi na rin ako nag da’day off. Tuwing pumapasok ako sa trabaho mukha na akong sabog, wala na akong time sa sarili ko. Wala na akong time sa ibang bagay.

Madalas akong late umuwi. Pagod at gutom ako tuwing dadating sa bahay pero, nakakawalang gana kumain dahil mag-isa lang ako kumakain kapag straight duty ang Tita ko. So ayun kagabi, kami lang dalawa sa bahay nung pamangkin nang Tito ko, napaka laking himala dahil merong ulam na nakahain sa mesa yun nga lang sabaw nalang at puro buto ang natira. Napaka bait nyang kasama, makakapanakal nalang ako bigla. Minsan nagtataka nalang ako kung sino ba talaga samin dalawa ni Cyril (yung aso) ang totoong tao.

Buti pa yung aso, may ulam. Dog food pa ha. Gutom na gutom na talaga ako kaya tinira ko agad yung pagkain. Hindi ko na ininstagram dahil wala naman akong instagram. Nabusog naman ako, nakakatuwa dahil nagbago na ang ulam ko hindi na “pangat" PANGATlong init ang kinain ko, kundi BUSAW "Buto’t Sabaw" na.

Mga bagay na nakaka bwisit.

Hindi batayan ang materyal na bagay na binibigay nang Magulang mo para masabing swerte ka sa kanila.

Gaya ko, kailangan ko pa mag trabaho para mapalitan ang 3310 phone ko. Pero hindi ibig sabihin non na malas ako dahil lang sa hindi ako kaya bigyan ng iPhone 5 o kung ano pa mang gadgets meron ang ibang tao. Kahit na minsan lang ako makabili ng original na vans at panty sa avon masaya na ako. Kahit madalas puro kwek-kwek ni Mang Kastor ang kinakain ko dahil yun lang ang kaya ng bulsa ko masaya na ako. Madalas na rin akong tumatambay sa mga Mall dahil sa free taste. Ang hirap kapag wala ka ng makain. De, biro lang. 

Sapat lang yung pera namin para sa araw-araw. Pero, hindi ibig sabihin non malungkot na ako dahil sa bihira lang ako makabili ng panty at bra sa Avon. Swerte nga ako kasi banayad silang mag-alaga. Sobra yung pagmamahal na ibinibigay nila kahit na nagkakaroon ng konting problema nagiging okay din agad. Masarap sa pakiramdam na andyan palagi sila sa tabi ko para suportahan ang mga bagay na gusto kong gawin. Kahit minsan tutol pa rin sila, iniintindi ko nalang alam ko namang para sakin yon eh. Ang mahalaga hindi sila nagkukulang sa pagmamahal at pag-aalaga. 

Kuntento na ako sa mga simpleng bagay na binibigay nang magulang ko. Hindi naman ako ang naghihirap para makabili ng mga ganong bagay bakit pa ako aarte? Pwede namang magpasalamat nalang. Hindi naman ako mahilig sa mga materyal na bagay kaya kahit simple lang okay na ako. Hindi naman kasi lahat kayang ibigay nang magulang ko pero masasabi ko pa ring swerte at kuntento na ako.

Ang batayan ko sa pagiging swerte ay sa kung paano nila ako alagaan at mahalin hindi sa kung anong ibinibigay nila sakin.

Para sa magiging Jowa ko.

Hindi mo man kasing pogi si Coco Martin
Kasing alat man ng yong mukha ang asin
Pangit man ikaw sa kanilang paningin
Ikaw ay aking mamahalin pa rin

Okay lang kung walang pambili ng Dinorado rice
Pwede na sakin ang kwek-kwek na may suka na spice
Hindi ako mahilig sa materyal na bagay
Sapat na sakin yung tayo’y magka-hawak kamay

Kahit na tayo’y sa lungga lang ng mga daga
Kahit pa ang ulam ay itlog lang na nilaga
Ayos lang, basta sakin ikaw ang mag-aalaga
Wag mag-alala sinta, iingatan lagi kita

Matalino pero bobo.

Kanina, bago ako dumiretso nang Hospital para mag pa inject ng anti-ulol. Kumain muna ako sa Mcdo. Hindi ko na pinicture’an dahil McSpicy, fries lang at chicken fillet lang naman ang kinain ko. Ilalagay ko pa ba sa Instagram? So ayun nga, habang umo’order ako nasa dulo ako ng line eh, gutom na gutom na ako. Tas nakita ko yung bandang left ko na line kokonti lang ang naka-pila tas puro medyo may edad na. Walang lumilipat sa left line samantalang apat lang yung naka pila para umorder. Edi, lumipat ako don para mapabilis.

Oha. So, next na ako don sa matanda na umo’order. Lumingon ako sa paligid. Halos lahat sila naka tingin sakin tas naka ngiti medyo nagandahan ata sila sakin. Hihi. Pwera don sa isang lalaking matanda na nasa likod ko na masamang tumingin, baka iniisip nya dudukutan ko yung isa pang matanda na nasa unahan ko. Edi ayun, sa wakas naka order na ako. Habang hinihintay ko yung McSpicy syempre tinitira ko na yung fries tas lingon lingon sa mga pogi. Hihi. 

Kaya pala masama tumingin yung matanda na nasa likod ko, kasi “Priority Lane (Senior Citizen)” yung napilahan ko. Kung kelan naka order na ako at lahat tsaka ko lang nabasa yon. Nakakahiya! Baka iniisip nila ginulangan ko na yung matatanda. Kahiya talaga!!!